
Binigyang-diiin ni General Nicolas Torre III na wala siyang sama ng loob sa pagsibak sa kanya bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) at bilang isang mabuting sundalo siya ay sumusunod sa utos.
Ayon kay Torre, nananatili ang kanyang suport kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at wala rin siyang pinagsisisihan sa mga naging hakbang niya.
Sabi ni Torre, hindi na bago ang mga ganitong sitwasyon sa buhay niya sa tagal nya sa serbisyo bilang pulis.
Hanggang ngayon ay nanatili pa rin siyang pulis kaya patuloy niyang gagampanan ang kanyang tungkulin para mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa bansa.
Pero ayon kay Torre, magpa-file muna siya ng leave of absence dahil kailangan nya ng panahon o oras na matapos ang pangyayari.
Binanggit ni Torre na in good terms sila ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla at sabi niya ang itinalagang mamuno sa PNP kapalit nya na si Lieutenant General Jose Melencio Nartatez ay isang magaling na police officer at hangad nya ang tagumpay nito.
Si Torre ay nagtungo sa Kamara at nagdala ng cake para sa kaarawan ni Mamamayang Liberal o ML Party-list Rep. Leila De Lima bilang ganti sa kabutihan nito na isa sa mga unang dumalaw sa kanya ng sya ay maitalaga bilang PNP chief.









