Kinilala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Regional Office 1 ang San Carlos City dahil sa mahusay nitong pagpapatupad ng Gender and Development (GAD) programs.
Ito’y matapos makakuha ng dalawang parangal ang City Operations Office sa 4Ps Pagkilala Pagpupugay at Parangal 2025 na ginanap sa Baguio City.
Nakamit ng lungsod ang Best Gender and Development Laudable Efforts and Notable Schemes (GADLENS) at Best in Reports Submission, bilang patunay ng maayos na implementasyon at kumpletong dokumentasyon ng kanilang mga programa.
Ginawaran din ng Best City Link Award ang isa sa mga personnel bilang pagkilala sa mahusay na serbisyo sa mga benepisyaryo.
Ayon sa DSWD, nakatulong nang malaki ang suporta ng lokal na pamahalaan sa pagpondo at pagbigay ng kinakailangang tulong para maging maayos ang pagpapatupad ng mga GAD activities. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









