Isinusulong ni Senator Raffy Tulfo ang pagkakaroon ng “gender-neutral uniforms” sa lahat ng mga paaralan at unibersidad.
Sa Senate Bill 1986 o “Pants for Her Act” na inihain ni Tulfo, binibigyan ng option ang mga babaeng estudyante na magsuot ng pantalon bilang uniform kung hindi ito komportable sa tradisyunal na palda.
Sa panukala ay inaatasan ang lahat ng mga paaralan, kolehiyo at unibersidad na ipatupad ang naturang gender-neutral na uniporme.
Ayon kay Tulfo, dahil sa social climate ngayon ay dapat na mabago ang mga lumang nakasanayan.
Bukod sa pagbibigay kalayaan sa mga babaeng estudyante na piliin aling uniform sila komportable, layon din ng panukala na maprotektahan ang mga mag-aaral sa dengue at proteksyon na rin sa pagsakay sa motorsiklo.