Bubuuo ang Malacañang ng mga istratehiya na nagtataguyod ng gender responsiveness partikular na sa larangan ng komunikasyon.
Ito’y matapos imbitahan ng Presidential Communications Office (PCO) ang publiko na lumahok sa Gender-Responsive Strategic Communications Workshop.
Ayon sa PCO, katuwang nila ang United Nations Philippines Women sa okasyon na gaganapin ngayong araw, Nobyembre 22, 2023, sa Marco Polo Ortigas mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi.
Ayon pa sa PCO, layunin ng workshop na pagsamahin ang mga propesyonal o indibidwal mula sa hanay ng komunikasyon upang talakayin at bumuo ng mga istratehiya na nagtataguyod ng gender responsiveness sa kanilang sektor.
Magsisilbi anila itong plataporma para sa mga partisipante na makiisa sa makabuluhang diskusyon, magbahagi ng kanilang mga pananaw, at kumuha ng mahahalagang kaalaman mula sa mga eksperto sa larangan.