Gender swap filter, patok rin sa mga celebrities!

Patok ngayon sa publiko ang nauusong filter na dinagdag ng isang sikat na app. Makikita sa iba’-ibang social media sites ang larawan ng mga babaeng nagmukhang lalaki at mga gwapo na biglang naging maganda.

Kamakailan, inilunsad ng Snapchat ang bagong filter nilang “gender swap”. Ayon sa isang ulat, mahigit isang milyon tao na ang sinubukan gamitin ito.

Kaya ang ilang mga celebrities hindi rin pinalampas ang bagong kinaaliwan ng masa.


Ayon kay Dubsmash Queen Maine Mendoza, “it’s just me.”

Image via Maine Mendoza IG Story

Mapapansin na tila nahanap ni Kapamilya aktres Maja Salvador ang long lost brother.

Image via Maja Salvador IG Story

Humihingi naman ng textmate ang boy version ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach

Image via Pia Wurtzbach IG Story

Si Kapuso celebrity Lovi Poe, napa-OMG sa resulta ng filter.

Image via Lovi Poe IG Story

Para kay Pauleen Luna-Sotto, mapagkakamalan siyang si Eric Fructuoso.

Image via Pauleen Luna IG Story
Facebook Comments