GENERAL ALARM | Commercial building sa Iligan, tinupok ng apoy

Iligan City – Umabot sa general alarm ang sunog sa isang commercial building sa lungsod ng Iligan kahapon ng hapon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection nagsimula ang sunog sa 2nd floor ng gusaling Red Carpet na ang nagmamay-ari nito ay si Edelyn Calimpong.

Mabilis lumaki ang apoy hanggang sa dinamay na nito ang kabilang gusali kahit pa patuloy ang pag-apula ng mga firefighters.


Sinabi ni Chief Fire Investigator SFO1 Ruel Lee na wala pa silang makita ngayon sa posibleng dahilan ng sunog pero maliit lang na halaga ang ideneklara nilang estimated damage nito dahil sa tagal at luma na ang naturang gusali.

Wala namang nasugatan o namatay sa nangyaring sunog pero marami ang walang nadalang gamit lalong-lalo na ang mga boarders.

Sa ngayon ay patuloy pa ang ginawang imbestigasyon ng mga kabomberohan hinggil sa naturang sunog.

Facebook Comments