Manila, Philippines – Planong amyendahan ng MababangKapulungan ng Kongreso ang General Appropriations na naglalaan ng pondo sapabahay sa Pandi Bulacan.
Ito ay kasunod ng pagpapaubaya ng Pangulong RodrigoDuterte ng pabahay sa Bulacan sa grupong KADAMAY na nakalaan sana para sa mgapulis at sundalo.
Ayon kay House Committee on Housing and Urban DevelopmentChairman Alfredo Benitez, binabalangkas na nila ang draft para sa pagamyenda saGAA.
Nakausap na rin niya si Cabinet Secretary at HUDCCChairman Jun Evasco para plantsahin ang amyenda sa batas.
Kailangan aniyang mabago ang GAA dahil kung ibibigay angpabahay sa Kadamay dahil lalabas itong technical malversation at maaari silangkasuhan dito.
Nakasaad kasi sa GAA na ang naturang mga pabahay sa PandiBulacan ay para sa mga sundalo at pulis kaya ito ang bahagi na babaguhin sabatas.
Naniniwala si Benitez na agad maaaprubahan ang pagamyendasa batas lalo’t ang Pangulo na mismo ang nagsabing ibigay na ang mga pabahay saBulacan para sa KADAMAY.
General appropriations act, aamyendahan sa Kamara para sa pabahay ng KADAMAY
Facebook Comments