General assembly ng PDP-Laban ngayong linggo, tuloy

Kinumpirma ni Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Vice Chairman Alfonso Cusi na tuloy ang pagkakaroon ng general assembly ng partido para sa mga bagong itatalagang opisyal.

Ayon kay Cusi, magaganap ito ngayong July 16 at 17 na naglalayong magkaroon ng order para makilala kung sino dapat ang mamumuno.

Dadaluhan at papangunahan ito mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Pero ayon kay Cusi, bagama’t nirerespeto niya ang PDP-Laban ay hindi naman niya tinatanggap ang pagkaka-expel sa partido lalo’t hindi naman ito dumaan sa tamang proseso.

Wala rin aniya silang violations gaya ng sinabi ni Senator Koko Pimentel.

Facebook Comments