Manila, Philippines – Dismayado si Justice Committee Chairman Senator Richard Gordon sa pasya ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa serbisyo ang grupo nina Supt. Marvin Marcos at mga kasamahan nitong pulis na sangkot sa pagpatay kay dating Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Para kay Gordon, mali ang ginawa ng Pangulong Duterte at maghahatid ito ng masamang signal sa mga pulis na okay lang gumawa sila ng masama dahil hindi naman sila mapaparusahan.
Pero ang sinisisi ni Gordon sa nabanggit na maling desisyon ng Pangulo ay maling payo ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Partikular na tinukoy ni Senator Gordon, sina Justice Secretary Vitaliano Aguirre at PNP Chief General Ronald Bato Dela Rosa.
Sabi pa ni Gordon, dapat pinabayaan na lamang ni Aguirre ang husgado na litisin sa kasong murder ang grupo ni Supt. Marcos.
Tinawag namang batugan ni Senator Gordon si General Bato at binatikos din ang kawalan nito ng lakas ng loob na sabihin sa Pangulo na makakasama sa police force ang pagbalik ng grupo ni Marcos sa serbisyo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558