General Bato Dela Rosa at Atty. Persida Acosta – napaiyak sa pagdinig ng Senado

Manila, Philippines – Ibinuhos ni Philippine National Police o PNP chief General Ronald Bato Dela Rosa ang sama ng loob sa alegasyon na sinasadya ng mga pulis na patayin ang mga suspek na kanilang nahuhuli.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ay umiyak si General Dela Rosa kasabay ng paglilinaw na hindi polisya ng administrasyong Duterte at ng PNP na pumatay.

Paliwanag ni Dela Rosa, kapag nanlaban lang ang mga suspek ay saka napipilitang nagpaputok ang mga otoridad para proteksyunan ang kanilang mga sarili.


Maging si Public Attorney’s Office Chief Atty. Percida Rueda Acosta ay naging emosyonal din sa pagtanggi na may sinabi siyang polisya ng administrasyon na pumatay na lang ng pumatay.

Ayon kay Acosta, ang nabanggit niya lang sa mga media interviews ay ang tungkol sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd Delos Santos at Carl Angelo Arnaiz na parehong pinatay ng Caloocan police ng wala umanong kalaban-laban.

Facebook Comments