General Bato Dela Rosa, pinakikilos ni Senator Gatchalian para tugunan ang bumababang tiwala ng publiko sa Pambansang Pulisya

Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senator Sherwin Gatchalian kay Philippine National Police Chief Gen Ronald Bato Dela Rosa na agad umaksyon kaugnay sa lumalalang opinyon ng publiko sa mga otoridad.

Ang mensahe ni Gatchalian kay General Bato ay kasunod ng pinakahuling SWS survey na nagsasabing bumaba ng 11 puntos ang net satisfaction rating ng publiko sa inilunsad na war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Lumalabas aniya sa survey na nananatili pa rin ang suporta ng publiko sa kampanya laban sa ilegal na droga ng Duterte administration.


Pero malinaw din sa survey na tumataas ang kawalan ng tiwala at takot ng taong bayan sa mga kasapi ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay Gatchalian, ito ay bunsod ng hinala na mga pulis din ang masa likod ng mga kaso ng extra judicial killings o EJK sa buong bansa.

Para kay Gatchalian, ito ay nakakabahala dahil dapat ay mapanatili ng pambansang pulisya ang integridad at kredibilidad.

Binigyang diin ni Gatchalian na responsibilidad ni General Bato, bilang hepe ng PNP na kuhain muli ang tiwala ng publiko sa pamamagitan ng pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa bawat komunidad sa bansa.
Nation

Facebook Comments