General curfew sa Metro Manila, inalis na ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos

Inanunsyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na lifted na simula bukas ang general curfew hour.

Sa MMDA event sa Quezon City, sinabi ni Abalos na ang desisyong ito ay napagkasunduan na ng lahat ng mga alkalde sa Metro Manila.

Pero ayon kay Abalos, kung mayroon nang existing na curfew hours na ipinatutupad ang isang Local Government Unit (LGU) sa National Capital Region (NCR) para sa mga menor de edad ay igagalang ito at maaring patuloy na maipatupad.


Samantala, nakipagpulong na rin aniya sila sa mga mall owner at pumayag na itong magbukas ng alas-11:00 ng umaga hanggang alas-10:00 o alas-11:00 ng gabi.

Facebook Comments