General instructions para sa pagdaraos ng eleksyon, inaprubahan na ng Comelec

Inaprubahan na ng Commission on Elections (Comelec) ang general instructions para sa pagdaraos ng eleksyon.

Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, magaganap na ang oras ng botohan simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-7:00 ng gabi.

Kung sakali namang matapos ang botohan at may nakapila pa rin sa labas ng venue, sinabi ni Casquejo na tatanggapin pa rin ang mga ito basta nakapila at nasa layong 30 meters mula sa lugar.


Sa ngayon, aabot na sa 91 petisyon ang natanggap ng Comelec para kanselahin ang Certificate of Candidacy o COC ng ilang aspirants para sa national post.

Reresolbahin naman ito ng Comelec bago magpalabas ng opisyal na listahan ng mapapabilang sa eleksiyon.

Facebook Comments