Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang hilagang bahagi ng Surigao del Norte.
Batay sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang lindol bandang alas-9:35 ng umaga.
Natukoy ang episentro ng lindol 60 kilometro hilagang kanlurang bahagi ng General Luna, Surigao del Norte kung saan may lalim itong 15 kilometro.
Tectonic ang pinagmulan ng lindol.
Naramdaman ang Intensity 2 sa General Luna, Dapa at Surigao del Norte habang Instrumental Intensity 1 naman ang naramdaman sa Surigao City.
Ayon pa sa PHIVOLCS, asahan na ang mga aftershocks kasunod ng 5.0 magnitude na lindol.
Facebook Comments