General Manager ng ISELCO 2, Nahalal Bilang Bagong Chairman ng PHILFECO

Cauayan City, Isabela- Nanumpa na kaninang umaga, May 12, 2018 si ISELCO 2 General Manager Dave Solomon Siqiuan bilang bagong Chairman ng PHILFECO na ginanap sa DreamWave Hotel, City of Ilagan.

Batay sa iniulat ni ginoong Edwin Wayagyag sa RMN Cauayan, ilan sa mga pangunahing bisita sa panunumpa ni General Manager Dave Siquian ng ISELCO 2 bilang bagong Chairman ng Philippine Federation Electric Cooperative o PHILFECO ay sina Edgardo Masongsong, Administrator ng National Electrification Administration o NEA, Isabela Governor Faustino “Bojie” Dy III, at ang PHILRECA, NELECA at Board President ng ISELCO 1 na si Presley De Jesus.

Ayon kay General Manager Siquian, Wala umanong nangyaring botohan kundi nagdesisyon na lamang umano ang mga miyembro ng Electric Cooperatives na siya ang uupo bilang Chairman ng PHILFECO.


Iprinisinta umano ng mga panauhin ang ilan sa mga agenda patungkol sa pangangasiwa ng isang lider at mga patakaran sa Electric Cooperatives.

Samantala, ibinahagi rin ni PHILFECO Chairman Dave Siquian ang ilan sa mga tinalakay ni NEA Administrator Masongsong gaya ng pag-organisa sa mga Member Consumer Owners na pangunahan ang pagpapaganda at pangangalaga sa,mga karapatan ng bawat Consumer at hinggil na rin sa kanilang Rural Electrification Program.

Facebook Comments