Sinuspinde ng Office of the Ombudsman si Mactan-Cebu International Airport Authority General Manager Atty. Steve Dicdican.
Sa pitong pahinang kautusan ni Ombudsman Samuel Martires, anim na buwan na suspension without pay ang ipinataw ni Martires kay Dicdican.
Nag-ugat ang kaso sa inihain ng NBI na mga Kasong Grave Misconduct, Gross Neglect of Duty at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service laban MCIA General Manager.
Sa reklamo, ipinaubaya ni Dicdican sa mga dayuhan ang pagpapatakbo sa MCIA na dapat ay nasa kontrol ng mga Pilipino.
Pinadalhan na rin ng kopya ng kautusan si Department of Transportayion (DOTr) Secretary Arthur Tugade para agarang ipatupad ang suspension order sa loob ng tatlong araw.
Facebook Comments