Kasunod nang inaasahang pagdating ng bulto ng mga bakuna pagsapit ng 3rd quarter ng taon.
Sinabi ni National Task Force Against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez na simula sa Hulyo ay maaari nang mabakunahan ang general public.
Ayon kay Galvez, pagdating ng July ay magkakaroon na ng secured at steady supply ng mga bakuna kung kaya’t mababakunahan na ang adult population.
Sa susunod na buwan kasi ay target ng pamahalaan na simulan na ang pagbabakuna sa mga nasa A4 hanggang A5 sa priority list.
Depende pa rin aniya ito sa dating ng mga bakuna kung saan ang bulto nito ay darating sa 3rd at 4th quarter pa ng taon.
Ngayong buwan ng Abril inaasahang nasa 2 milyong mga bakuna ang darating sa bansa kabilang dito ang 1.5 million doses mula sa Sinovac at 500,000 mula sa Gamaleya habang sa Mayo ay tig-2 million doses mula sa Sinovac at Gamaleya at 194,000 doses mula sa Moderna.