Maituturing na generally peaceful ang sitwasyon ng national and local election sa Metro Manila.
Ito ang Inihayag ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police MGen. Felipe Natividad base sa isinumiting report ng limang District Director sa NCR.
Ayon kay Natividad walang naitalang untoward incident sa panahon ng halalan, mapayapa sa pangkalahatan ang election gayun din sa mga polling precinct sa Metro Manila.
Paliwanag pa ng opisyal ang pwersa ng NCRPO ay nananatiling nakatuon sa mandato nito na tiyakin ang kapayapaan, seguridad at kaayusan sa pagsasagawa ng canvassing ng mga boto hanggang sa proklamasyon sa mga nanalong kandidato.
Pinuri ni Natividad ang mga tauhan ng NCRPO kung saan ginagawa ang kanilang tungkulin at tiniyak nito na magiging secure, accurate, free and fair habang hinihintay ang official results ng halalan 2022.
Panawagan ng NCRPO sa publiko na manatiling mapagmatyag at ipagdasal sa panginoon na walang anumang mangyayaring untoward incident sa Metro Manila.