GENERALLY PEACEFUL | Mga kilos protesta kaugnay sa pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte, mapayapa – ayon sa PNP

Manila, Philippines – Nanatiling payapa ang kaliwat kanang protesta sa buong bansa para mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, magkagayunpaman mas magiging alerto aniya ang kanilang mga pulis na idineploy sa mga lugar na mayroon rally.

Inaasahan kasi aniya nilang ngayong hapon mas dadami ang mga magsasagawa ng protesta lalo na dito sa Metro Manila a


Sinabi pa ni Albayalde sinunod nila ang pahayag ng pangulo na payagan ang mga rally kahit wala o mayroong permit.

Tantya nila aabot sa sampung libo ang mga magsasagawa ng kilos protesta at tiyak aniyang aabutin ng hangganng alas-9 ng gabi ang mga programa.

Pero wala naman aniyang problema dahil nakadeploy ang kanilang mahigit apat na libong mga pulis para tiyaking magiging payapa ang mga kilos protesta.

Facebook Comments