GENERALLY PEACEFUL | PNP, ibinaba na sa ‘heightened status’ ang kanilang alerto

Manila, Philippines – Ibinaba na ng Philippine National Police (PNP) sa ‘heightened status’ ang kanilang alerto.

Ito ay kasabay ng kanilang pagdedeklarang ‘generally peaceful’ ang paggunita ng Undas 2018.

Ayon kay PNP Spokesperson, Chief Superintendent Benigno Durana – ang bisa ng ‘full alert’ status ay hanggang kaninang alas-6:00 ng umaga lamang.


Kasabay nito, sinabi rin ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar na maglalabas na rin siya ng kautusan na ibaba ang alert status sa Metro Manila ngayong araw.

Facebook Comments