GENERALLY PEACEFUL | Replika ng Poong Nazareno, naibalik na sa Quiapo Church matapos ang sampung oras

Manila, Philippines – Matapos ang mahigit sampung oras, alas-12:38 ng hatinggabi nang maibalik sa simbahan ng Quiapo ang mga Replica ng Black Nazarene.

Ayon kay Supt. Arnold Ibay ng Manila Police District Station 3, naging ‘Generally Peaceful’ ang prusisyon ng mga replica ng Itim na Nazareno.

Aniya, umabot sa 220,000 tao ang nakiisa habang nasa 650 replica ng Nazareno ang kasama sa prusisyon.


Wala rin aniya silang nailatang mga krimen o kahit insidente ng pagnanakaw.

Samantala, sinabi ni Johnny Yu, City Disaster and Management Office Director ng Maynila, bago pa man dumating ang andas ay kailangang walang sinuman o grupo na mga indibiduwal na magkukumpulan sa Jones Bridge dahil kanila na itong isasara habang wala pa ang imahe ng Poon.

Saka nalamang aniya nila bubuksan ang tulay kapag tuluy-tuloy na ang takbo ng andas.


Facebook Comments