Manila, Philippines – Naging generally peaceful at matagumpay ang unang araw ng pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral para sa school year 2018-2019.
Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, maaga at maraming ginawang paghahanda ang DepEd para maging smooth ang pagbubukas ng klase kahapon.
Aniya, mataas ang rating ng ginawa inspection ng DepEd sa mga classrooms, toilet, tubig, mga upuan, laboratory equipment at marami pang iba.
Mababatid na mahigit 27 million students mula sa kindergarten hanggang grade 12 sa mga public at private schools ang nagbalik eskwela.
Facebook Comments