GENERATOR SET PARA SA MGA RESIDENTE, IPINAMAHAGI SA BAWAT BARANGAY SA ROSALES

Inaasahang makatutulong sa pagtugon sa kakulangan ng suplay ng kuryente tuwing may power interruption ang mga generator set na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan ng Rosales sa 37 barangay ng bayan.

Ayon sa LGU, ang pamamahagi ng generator set ay bahagi ng contingency measures upang matiyak na may magagamit na kuryente ang mga barangay sakaling magkaroon ng aberya sa suplay, lalo na sa oras ng emergency at sakuna.

Ang bawat generator set ay may maximum output na 8.5 kilowatts o 8,500 watts at kayang umandar nang humigit-kumulang walo hanggang labing dalawang oras sa limampung porsyento na kargada.

Bagama’t positibo ang naging reaksyon ng mga residente sa proyekto, may panawagan din ang ilan na tiyaking pantay, malinaw, at walang kinikilingan ang paggamit ng mga generator set sa bawat barangay.

Positibo naman ang pagtanggap ng mga residente sa pamamahagi ng naturang kagamitan bilang dagdag na paghahanda sa mga posibleng abala at kalamidad.

Facebook Comments