Genome sequencing ng Pilipinas, nasa 1% lang

Dapat na palakasin ng Pilipinas ang genome sequencing para maiwasan ang posibleng pagkalat ng mas nakakahawang variants ng COVID-19.

Sabi ni Philippine Genome Center – Genomics Health Program director Dr. Eva Maria Cutiongco-de la Paz, sa ngayon ay nasa 750 samples kada linggo pa lamang ang naisasailalim nila sa sequencing.

Ito ay 1% lamang ng mga kabuuang kaso sa bansa, malayo sa ideal genome sequencing rate na dapat ay hindi bababa sa 5%.


Aminado naman si dela Paz na limitado ang kapasidad ng bansa sa pagsasagawa ng genome sequencing dahil iisa lamang ang NovaSeq machine sa bansa na nabili pa limang taon na ang nakalilipas.

Samantala, ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ngayong buwan ay inaasahang darating ang bagong suplay ng sequencing kits na gagamitin ng PGC para matukoy kung anong COVID-19 variants na ang nakapasok sa Pilipinas.

Facebook Comments