Sugatan ang walong tao sa nangyaring pagsabog sa General Santos City Linggo ng hapon.
Ayon kay Chief Superintendent Eliseo Rasco, direktor ng Soccsksargen region police, isang Improvised Explosive Device (IED) ang sumabog sa tapat ng isang lying-in clinic sa Barangay Apopong.
Aniya, bubuo sila ng special investigation task group para tutukan ang insidente.
Sabi ng isang empleyado ng klinika, bago ang pagsabog, nakita niyang nag-iwan ng bag sa harapan ng klinika ang dalawang lalaking lulan ng motorsiklo.
Nagtanong pa raw sa kanila ang isa sa mga ito kung saan maaaring bumili ng baboy sa lugar.
Facebook Comments