Muling inisyuhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng bagong Cease and Desist Order (CDO) ang childcare facility na Gentle Hands Inc. sa Project 4 Quezon City.
Kasunod ito ng ginawang pagbawi ng Bureau of Fire Protection (BIR) sa Fire Safety Inspection Certificate (FSIC) ng Gentle Hands.
Ang bagong CDO ay ipinalabas ng DSWD noong June 13.
Sinabi ni Fire Senior Supt. Aristotle Banaga ng Quezon City Fire Department, dapat munang ayusin ng Gentle Hands management ang mga depekto nito bago muling mabigyan ng sertipikasyon na makapag-operate.
Ilan sa paglabag ng Gentle Hands ay ang bagong pag-comply sa required termination ng fire exits, walang automatic detection at alarm system, walang approved automatic sprinkler system, walang posted emergency evacuation plan at hindi nagsagawa ng emergency egress at relocations drills.
Ang CDO ay bahagi ng DSWD authority, regulatory powers at responsibility para tulungan at protektahan ang karapatan ng mga kabataan mula sa lahat ng uri ng pag-abuso, pagmamalabis, exploitation at iba pa na makakaapekto sa kanilang paglaki.
Ang DSWD ang nagkakaloob ng permit to operate sa mga bahay-ampunan katulad ng Gentle Hands.