Genuine Agrarian Reform Bill, isinusulong muli ng Makabayan sa Kamara

Inihain muli ng Makabayan sa Kamara ang Genuine Agrarian Reform Bill (GARB).

Sa pangunguna ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas ay muling isinusulong ng mga progresibong mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 1161 na inaasahang magiging tugon sa problema sa ‘food security’ ng bansa.

Sa ilalim ng GARB Bill ay tinitiyak dito ang libreng pamamahagi ng lupain sa mga benepisyaryo ng agrarian reform at magtatalaga ng “land reform zones” na sisiguro naman sa tunay na seguridad at sapat na pagkain sa bansa.


Sinabi ni Brosas na sa ilang dekada na palpak na agrarian reform program, kasama na rito ang sa rehimen ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., nagpapakita ng pangangailangan na matakpan ang mga butas sa programa partikular ng pagnanakaw sa pagkakataon ng beneficiaries na makapagsaka ng kanilang sariling lupa.

Ipinagbabawal din sa panukala ang pananamantala ng ilang landlords na pagbebenta, pagsasangla, o anumang paglilipat ng lupa na naigawad na sa farmer-beneficiaries.

Facebook Comments