GeoMapperPH, inilunsad ng PHIVOLCS

Inilunsad ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang bago nitong web-based tool na tinatawag na GeoMapperPH.

Sa ilalim nito, mabibigyan ng updates ang mga user hinggil sa natural hazards sa kanilang lugar.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary, PHIVOLCS Director Renato Solidum Jr., ang naturang web at mobile application ay magbibigay sa mga awtoridad ng komprehensibo at tiyak na desisyon at aksyon para sa disaster management.


Ang GeoMapperPH ay isang geographic information system (GIS) na nakadisensyo para mapanatili ang data flow kung saan malalaman kung anong mga lugar ang maaapektuhan ng kalamidad o sakuna.

Makikipag-partner ang PHIVOLCS sa mga Local Government Units (LGU) at makikipag-coordinate sa Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa paggamit ng nasabing application.

Maaaring ma-access ang application sa pamamagitan ng computers at mobile phones kahit offline.

Facebook Comments