
Binisita ng mag-asawang George Clooney at Amal Clooney si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang nitong Biyernes para pag-usapan ang pagpapalakas ng press freedom sa bansa.
Binigyang-diin ni Amal Clooney ang malaking potensyal ng artificial intelligence (AI) para mas mapalawak ang access sa hustisya.
Sang-ayon naman dito si Pangulong Marcos at sinabi niyang mahalagang tiyakin na responsable at ligtas ang paggamit ng AI.
Ayon sa Pangulo, nananatiling prayoridad ng administrasyon ang malayang pamamahayag at umaasa siyang magiging makabuluhan at masaya ang pagbisita ng Clooney couple sa Pilipinas.
Nasa bansa ang mag-asawa para pangunahan ang Social Good Summit 2025 sa Pasay City sa Nobyembre 16, kung saan tatalakayin ang mga global na isyung humahamon sa free speech at civil liberties.
Si George Clooney ay isang award-winning actor at filmmaker, at aktibong humanitarian at global advocate, habang si Amal Clooney naman ay eksperto sa international law at human rights, at kasalukuyang propesor sa Oxford University.








