George, Westbrook – bumida sa panalo ng OKC laban sa Trail Blazers

Pinagtulungang pahiyain nina Paul George at Russell Westbrook ng Oklahoma City Thunder ang dumayong Portland Trail Blazers.

Sa iskor na 134-114, nagbuslo ng 36 points si George para sa panalo ng Thunder habang umasiste sa kanya si Westbrook na humagod ng triple-double 29 points.

Nasayang naman ang 34 points ni damian lillard at ang 31 points ni CJ McCollum para sa Blazers.


Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Thunder.

Dahil dito, muling nakatungtong ang koponan sa third place ng westerten conference.

Facebook Comments