Gerald Anderson at Joshua Garcia nagkita sa ABS-CBN trade event

2061
File photos via ABS-CBN website

Ilang araw matapos pumutok ang kontrobersiyang kinasasangkutan, nagtagpo ang landas nina Gerald Anderson at Joshua Garcia sa ABS-CBN trade fair nitong Martes.

Sa nasabing event, isinapubliko ng istasyon ang mga upcoming teleserye at kabilang dito ang palabas nina Anderson at Garcia.
Dumalo ang dalawa para i-promote ang kani-kanilang programa.
Bibida si Anderson sa soap-operang “A Soldier’s Heart” at kasama naman si Garcia sa main cast ng “The Killer Bride”.
Bahagya silang nagkalapit nang mag-pose sa mga photobooth na inilagay sa magkabilang gilid.
Sa ngayon, hindi malinaw kung nagkausap na ang dalawang Kapamilya stars.
Simula pa nung Linggo, pinagpipyestahan sa social media sila Bea Alonzo, Julia Barretto, Gerald at Joshua dahil sa isang makahulugang at umano’y patamang post sa Instagram.
Matatandaang nag-post si Alonzo ng itim na litrato, simbolo ng paulit-ulit na pagkakamali ng isang tao.
Napuna din ng netizens na ni-like ng aktres ang ilang IG post na pinapakitang magkasama sina Anderson at Barretto. Hinala ng iba, silang dalawa ang pinatatamaan ni Alonzo.
Nananatiling tikom ang bibig ng mga dawit na personalidad mula nung kumalat ang isyu.
Facebook Comments