Gerald Anderson, may inamin sa tunay na relasyon nila ni Julia

How true ang chikang umamin daw si Gerald Anderson kay Dennis Padilla na nililigawan niya ang kanyang anak na si Julia Barretto.

Ayon sa mga chika-chika, tumawag mismo si Dennis at direktang tinanong ang aktor kung bakit ang kanyang anak na si Julia ang sinisisi sa breakup ng aktor at ni Bea.

Kasunod na rin ito ng topic na pinagpipistahang ngayon ng mga netizen na si Julia ang dahilan kung bakit nakipag-break si Gerald sa girlfriend nitong si Bea Alonzo.


Sa naturang pag-uusap, kinumpirma umano ni Gerald kay Dennis na nililigawan niya si Julia.

Umamin din daw siyang hiwalay na sila ni Bea.

Nataranta pa daw si Gerald ng tumawag ang ama ni Julia sa kanya matapos mabahala sa mga nababasang masasakit na batikos laban sa anak, na inaakusahang third party sa Bea-Gerald breakup.

Nagsimula ang mga balita tungkol sa special friendship nina Gerald at Julia nang maging magkapareha sila sa isang pelikula kamakailan.

Facebook Comments