
Hiniling ni Senator Christopher Bong Go sa pamahalaan na tiyaking available sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang geriatric care.
Para magawa ito ay mangangailangan ng sapat na pondo ang mga geriatric specialty centers sa buong bansa.
Tinukoy ni Go na bagamat may Philippine Geriatric Center na itinatayo ngayon, mayroon namang geriatric specialty centers na mas madaling mapupuntahan ng mga matatanda sa bansa.
Gayunman, sa 33 geriatric specialty centers ay nasa pito pa lang ang natatapos at mayroon pang 26 na ongoing ang pagpapagawa.
Iginiit ng senador na dapat ding unahin at matapos ang mga existing na specialty centers sa mga DOH hospitals partikular ang mga operational at ang mga under construction.
Babala ng mambabatas, kung ang lahat ng resources para sa geriatric care ay naka-concentrate lamang sa iisang lugar tulad sa Metro Manila, tiyak na mahihirapan dito ang mga senior citizens mula sa mga malalayong probinsya.









