German National na itinulak ang buntis sa Surigao City inilipat ang kustodiya sa BJMP

445

German National na itinulak ang buntis sa Surigao City inilipat ang kustodiya sa BJMP. Inilipat na sa kustodiya sa Bureau of Jail Management and Penology sa Surigao City Jail ang German National na may kasong physical injury matapos manulak ng buntis. Kinilala ang suspek na si Walter Keinath, 66 taong gulang, German National at mula sa Albstadt, Germany. Ito’y sinampahan ng kaso ng isang Ellen Tison Blase, 25 taong gulang, 7 buwang buntis. Alegasyon nitong habang naglalakad siya sa labas ng isang tindahan sa San Nicolas St dito sa lunsod, aksidente niyang nasagi ang puwet ng German National, bigla na lamang tinulak siya kaya nag-bleeding, mabuti na lamang at hindi siya nakunan. Ang mga opisyal ng German Embassy ang naunang tumawag na sa kaso ni Keinath ngunit diumano’y kailangang harapin muna nito ang kaso dito sa Surigao City bago makasagawa ng deportation proceedings.

Facebook Comments