Sunday, February 15, 2026

German national sa NAIA, inaresto ng PDEA sa NAIA matapos makuhanan ng P55-M shabu na itinago sa mga bibliya

Arestado sa International Airport (NAIA) Terminal 3 ang isang 77-anyos na German national matapos makuhanan ng ₱55-M na halaga ng hinihinalang shabu na nakatago sa Bibliya.

Nabuking ang ipupuslit na shabu sa pamamagitan ng isang Inter-Agency Drug Interdiction operation sa pangunaguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Customs (BOC) at iba pang ahensya.

Kinilala ang atestadong German national na si alias “Peter”.

Galing sa Johannesburg, South Africa si alias Peter at may connecting flight sana papuntang Hong Kong.

Nakuha ang mga ilegal na droga sa kaniyang bitbit na mountain backpack.

Nakita dito ang dalawang librong “Holy Bible” na may nakatagong siyam na plastic pouch na na naglalaman ng nay tinatayang 8,145 gramo ng hinihinalang shabu.

Isasailalim sa laboratory test ang mga nakuhang ebidensya habang inihahanda ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.

Nahaharap ang German national sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments