German tourists na stranded sa Pilipinas, makakauwi na sa kanilang bansa ngayong weekend

Pina-plantsa na ng Dept. of Foreign Affairs (DFA) ang flight pabalik ng Germany ng iba pang German tourists na stranded sa iba’t ibang lalawigan sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Partikular sa Palawan, Siargao, Dumagete, Iloilo, Bohol, Caticlan, Surigao, Tacloban, Bacolod at ibang bahagi ng Mindanao.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin, ang naturang German tourists ay sasakay sa charted flights via Mactan Cebu International Airport at NAIA 1.


Muli namang umapela si Locsin sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu na payagan na ang naturang mga turista na makapasok sa Cebu para makaabot sa kanilang flight pabalik ng Germany.

Una nang naging problema ng DFA ang paghihigpit ng Cebu Provincial Government sa pagpasok sa Mactan Cebu International Airport ng mga dayuhang naipit sa COVID lockdown sa Pilipinas at naghahabol ng kanilang flights sa nasabing International Airport.

Facebook Comments