Binuksan na ng Germany ang kanilang pintuan para sa mga Pilipinong nais magtrabaho sa kanilang bansa.
Ito’y matapos lagdaan ng Pilipinas at Germany ang kasunduan para sa kooperasyon ng vocational education at training para sa upskilling at reskilling ng mga manggagawang Pilipino sa larangan ng digitalization at green economy.
Ang imbitasyon ay ipinaabot ni German Chancellor Olaf Scholz kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanilang bilateral meeting sa Berlin.
Ayon kay Scholz, may ipinasa silang bagong batas sa Germany para mas magiging madali na ang pagpasok sa German labor market.
Naniniwala si Scholz na nakasalalalay sa mga professional worker mula sa labas ng kanilang bansa ang pag-unlad at paglago ng kabuhayan kaya nais nilang ibigay ang magandang kondisyon para sa mga ito.
Samantala, welcome naman kay Pangulong Marcos ang imbitasyong ito na malaking bentahe aniya para sa mga manggagawang Pilipino.