Nag-abiso ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na nangangailangan ang Germany ng 50 na nurse at 300 na care workers, nitong Huwebes.
Qualifications:
- nakapagtapos ng Bachelor of Science in Nursing at may PRC License
- mayroong hindi bababa ng dalawang taong professional experiene
- German Language proficient o kaya nama’y willing sumailalim sa German Language Training hanggang Level B1
Sa mga kwalipikadong aplikante, maari lamang bumisita sa website ng ahensya.
Monthly salary: 2,000 euros o halos 100,000 pesos.
Nauna namang inanunsyo ng ahensya na nangangailangan din ng 50 nurse at 300 care workers sa Japan.
Qualifications para sa mga nurse:
- Bachelor of Science in Nursing graduate at may PRC License
- may tatlong taong hospital work experience
- willing magtrabaho at mag-aral para sa “Kangoshi” para magkaroon ng National License sa Japan
Qualifications para sa care workers:
- graduate ng Bachelor of Science in Nursing at may PRC License
- pupuwede rin ang graduate ng four-year course basta’t may TESDA National Certificates II in Care-giving
Facebook Comments