GERMANY – Plano ngayon ng German military na bigyan ng seguridad ang United Nations (UN) peacekeeping mission sa mali sa West Africa sa pamamagitan ng pag-deploy ng tethered aerostats.
Ito ay mga maliliit na airships na may threat-tracking sensors na kahalintulad ng ginagamit ng us military sa Afghanistan.
Una nang sinabi ng Germany na nababahala ang mga ito sa mission ng UN peacekeeping force sa mali kasunod ng naganap na suicide bombing noong nakaraang buwan na kumitil sa buhay ng 77 katao.
Matatandaan, naganap ang insidente sa isang military base na kinaroroonan ng government soldiers sa northern town ng gao.
Inako ng Al Qaeda affiliate ang naturang insidente.
Facebook Comments