Germany, posibleng magbukas ng oportunidad para sa OFWs, ayon sa DMW

Posibleng mangailangan ng Overseas Filipino Workers (OFW) ang bansang Germany.

Ayon kay Department Of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople, nakikipagdayalogo na ang ahensya sa nasabing bansa hinggil dito.

Pero aniya, hindi pa ito pinal at tinitingnan pa ng ahensya ang iba pang occupational skills na kakailanganin para sa pag-a-apply ng trabaho sa nasabing bansa.


Samantala, aprubado na sa Hong Kong ang taas-sahod na 100 Hong Kong dollars o P750 para sa mga OFW.

Pumirma rin kamakailan ng Memorandum Of Understanding (MOU) ang Pilipinas at Canada hinggil sa benepisyong matatanggap ng mga Pinoy nurse sa Alberta, Canada na sumailalim sa assessment, education at training.

Kaugnay nito, nagpaalala ang DMW sa mga Pinoy na nagbabalak magtrabaho sa ibang bansa na mag-ingat sa mga ilegal recruiter, at i-check muna sa ahensya kung lehitimo ang trabahong ina-aplayan.

Facebook Comments