GETAWAY | Dingdong Dantes at Marian Rivera, nagbakasyon sa Siargao

Siargao – Hindi nagpahuli sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa pagbabakasyon at pagre-relax sa Siargao Island sa Mindanao.

Sa kanilang mga instagram posts, kitang kita ang pag-eenjoy ng mag-asawa sa kanilang family getaway kasama ang anak na si Baby Zia.

Nagpost pa si DIngdong kasama si Marian, na litaw na litaw ang kagandahan sa kaniyang suot na polka dot swimsuit.


Nagbiro pa si dingdong sa kanyang caption na “psst.. Miss, pa-kiss.”

Cute na cute naman ang kanilang baby zia sa isang picture na nagpose katulad ng kanyang mommy.

Facebook Comments