GGOD NEWS: NATIONAL STUDENTS’ DAY SA ISANG PAARALAN SA STA. BARBARA, ISINAGAWA

Bago matapos ang taong ito, isinagawa ang National Students’ Day 2022 sa temang “Ikaw, Ako, Tayo, Bahagi ng Proseso at Boses ng Pagbabago”. Ang nasabing selebrasyon ay ginanap sa Daniel Maramba National High School sa bayan ng Sta Barbara, Pangasinan.
Layunin ng mga guro na paalalahanan ang lahat kung gaano nagbibigay ng malaking tulong sa lipunan ang mga estudyante. Iba’t ibang mga aktibidad at contest ang isinagawa rito.
Nagpakita ang mga estudyante ng kanya kanyang mga talento at specialities sa iba’t ibang larangan.
Nais ng mga guro na ang aktibidad ay magsilbing unang hakbang upang mas maging aktibo at produktibo ang mga estudyante ngayon at sa susunod pang mga taong darating.
Facebook Comments