Ghazali Jaafar, malaki ang naitulong sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao ayon sa Malacañang

 

Nagpaabot ng pakikiramay at dasal ang Palasyo ng Malacañang sa mga naiwan ni Ghazali Jaafar na pumanaw kaninang madaling araw.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, malaki ang naging papel ni Jaafar sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao bilang isa sa mga tagapagtanggol nito.

 

sinabi ni Panelo na naupo bilang Chairperson ng Moro Islamic Liberation Front Peace Panel si Jaafar mula 1996-1997, naging unang Vice Chairperson ng MILF Central Committeee at MILF for Political Affairs.


 

Itinalaga din aniya ito ni Pangulong Duterte noong nakaraang buwan bilang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

 

Sinabi ni Panelo na maraming laban para sa kapayapaan na ang hinarap at ipinaglaban ni Jaafar at nawa ay mabigyan ito ni Allah ng puwesto sa Jannah o sa Paraiso.

Facebook Comments