GHOST EMPLOYEES | Pagbasa ng sakdal kay QC Councilor Roderick Paulate, ipinagpaliban

Manila, Philippines – Ipinagpaliban ng Sandiganbayan ang pag basa ng sakdal kay Quezon City Councilor Roderick Paulate kaugnay ng kinahaharap niya na kasong katiwalian.

Ito ay dahil sa mga nakabinbin pang mosyon ng actor-turned politician.

Matatandaang kinasuhan ng Ombudsman si Paulate ng graft at multiple count of falsification dahil sa umano ay 30 ghost employees nito noong 2010.


Kasabwat umano ng konsehal ang kanyang liaison officer na si Vicente Esquilon Bajamunde kung saan umabot sa ₱1.1-million ang nakolekta nila na pinalabas na sahod ng 30 ghost employees mula July 1 hanggang November 15.

Una nang inirekomenda ng Ombudsman na tanggalin sa kaniyang pwesto si Paulate pero ini-apela niya ito sa Court of Appeals at binaliktad ang naturang rekomendasyon laban sa aktor.

Facebook Comments