
Iginiit ni Senator Erwin Tulfo na tila nauulit lamang ng kontrobersyal na ghost flood control projects ang nangyari noon na pork barrel scam ni Janet Lim-Napoles kung saan sangkot din ang ilang mga government officials.
Sa budget briefing sa Senado, sinabi ni Sen. Erwin na mistulang “déjà vu” ng pork barrel scam ang maanomalyang flood control projects.
Pero, kumpara sa pork barrel o PDAF scam na nasa daang milyon ang kickbacks ang natanggap ng ilang mga kasabwat na public officials, mukha aniyang mas malala ang mga ghost flood control projects dahil bilyon-bilyong piso o posibleng umabot sa trilyong piso ang mga nakulimbat na pondo ng taumbayan.
Naunang ikinabahala ng mambabatas na posibleng sa ilalim ng National Expenditure Program (NEP) ikarga o ipasok ang mga ghost projects upang hindi halata na nagsingit ng mga proyekto pag sumapit na sa bicameral conference committee.








