‘Ghost Projects,’ laganap sa DPWH, ayon kay Pangulong Duterte

Inirekomenda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasagawa ng audit sa mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para matukoy ang mga ‘ghost projects.’

Ito ang utos ng Pangulo sa gitna ng malawakang imbestigasyon sa korapsyon sa pamahalaan.

Sa kanyang Talk to the Nation address, naniniwala ang Pangulo na ang pinakamalaking raket sa DPWH na pinag-uugatan ng korapsyon ay ang sangkatutak na ghost projects.


Marami aniyang tauhan mula sa DPWH ang masisibak dahil dawit sa mga anomalya.

Binanggit din ng Pangulo ang ilang right-of-way projects at iba pang proyekto na hindi pa natatapos at substandard.

Kabilang sa mga pinuna ng Pangulo ay ang ilang toilet facilities project ng DPWH na hindi pa natatapos.

Pinagpapaliwanag din ni Pangulong Duterte ang mga DPWH personnel na sangkot sa pagtatayo ng mga palikuran na walang partition o harang.

Nanawagan din ang Pangulo sa mga opisyal na sangkot dito na magbitiw na sa kanilang pwesto dahil kung hindi ay mahaharap sila sa kaukulang reklamo.

Facebook Comments