Manila, Philippines – Isiniwalat ng grupong Coalition for Investigation and Prosecution ang mga umano’y ghost projects ni Sen. Antonio Trillanes.
Ayon sa miyembro ng grupo na si Greco Belgica – ito’y galing umano sa Disbursement Acceleration Program o DAP noong Aquino administrasyon.
Dagdag pa ni Belgica – aabot sa higit kumulang 245 million pesos ang naibulsa ni Trillanes sa pamamagitan ng kanyang mga ghost projects.
Kabilang sa sinasabing ‘barya-baryang proyekto’ ni Trillanes ay ang pagtatayo ng lamp post sa mga pangunahing kalsada sa ilang lungsod at probinsya sa bansa.
Isa lamang aniya si Trillanes sa mga piling pulitiko ng nakaraang administrasyon kaugnay ng kwestyonableng higit-kumulang 2.6 billion pesos na DAP budget.
Dahil, ipinauubaya na ng koalisyon sa Department of Justice (DOJ) ang pagsisiwalat sa iba pang detalye sa oras na simulan ang preliminary investigation.