Isinulong sa Kamara ng isang mambabatas na ideklara bilang isang uri ng emotional abuse ang ghosting.
Ang ghosting ay tawag sa biglaang pang-iiwan sa ere sa ka-relasyon o ka-date.
Sa ilalim ng House Bill No. 611 ni Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr., sinasabing nagdudulot ang ghosting ng trauma dahil sa naramdamang inayawan o kaya kinalimutan.
Ayon kay Teves, lumalabas din kasi sa mga pag-aaral na ang kahit anong paraan ng social rejection ay nagdudulot ng kahalintulad na sakit sa physical pain.
Dagdag pa ng mambabatas, maihahaluntulad din ito bilang isang uri ng emotional cruelty at dapat ideklara bilang isang emotional offense.
Sa kabilang banda, walang inilagay na panukalang parusa ang mambabatas dito.
Mababatid na si Teves din ang naghain ng kontrobersyal na panukala na pagpapalit ng pangalan sa Ninoy Aquino International Airport papunta sa Ferdinand E. Marcos International Airport.