Giannis Antetokounmpo at Milwaukee Bucks, naungusan ang Oklahoma Thunder

NBA – Isinalampak ni Milwaukee Bucks Star Giannis Antetokounmpo ang game winning dunk para maungusan ang Oklahoma City Thunder sa iskor na 97-95.

Nagrehistro si Antetokounmpo ng 23 points at dinagdagan pa ito ng 20 points ni Khris Middleton para sa Bucks.

Sinubukan pang isalba ni 2016 NBA Most Valuable Player Russell Westbrook ang laban pero nabigo siyang ipasok ang three point shot.


Nagtala si Westbrook ng 40 points, 14 rebounds at 9 assists para sa Thunder.

Facebook Comments