Giannis Antetokounmpo tinanghal na 2019 NBA MVP

Image via NBA.com

Nakamit ni Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo ang Most Valuable Player (MVP) award sa katatapos lang na NBA Awards nitong Lunes ng gabi, oras ng Estados Unidos, sa Santa Monica, California.

Tinalo ni Antetokounmpo sina James Harden at Paul George.

Kabilang na rin ang 24 taong gulang na basketbolista sa listahan ng mga pinakabatang MVP. Nagwagi din noon sina LeBron James at Derrick Rose ng MVP award bago dumating ang edad na 25.


Hindi napigilan maiyak ng Bucks star player habang nagtatalumpati.

Pinasalamatan nito ang kanyang pamilya at binalikan ang mga pinagdaanan sa Greece bilang manlalaro hanggang makarating sa NBA.

“Every time I step on the floor I think of my dad and that motivates me to play harder and move forward even when my body is sore, I don’t feel like playing, I’m always going to show up and I’m going to do the right thing,” emosyonal na pahayag ni Antetokounmpo.

Nagtala ng 27.7 puntos, at 12.5 rebounds kada laban si Antetoukounmpo. Tinalo ng NBA Champion Toronto Raptors ang kanyang koponan sa Eastern Conference Finals.

Facebook Comments